Nagpapalusot na lang umano si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kinukuwestyong mga pangalan na binigyan nito ng confidential fund.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw na naipapaliwanag ni Duterte kung saan napunta ang kanyang milyon-milyong confidential fund.
Ginawa ni Ortega ang pahayag matapos ang interview ng Pangalawang Pangulo sa The Hague kung saan sinabi nito na hindi niya maberipika ang nga naturang pangalan.
Diin niya ang kawalan ng opisyal na record ng naturang mga tumanggap ng confidential fund gaya ng birth certificate, sertipikasyon ng kasal, at kahit kamatayan ay maituturing na seryosong red flag.
Kabilang sa mga pangalan ang “Mary Grace Piattos,” “Dodong Alcala,” at “Jay Kamote” – na napukaw na rin ang galit ng publiko at nanghihingi na ng tugon mula sa Pangalawang Pangulo. | ulat ni Melany Valdoz Reyes