Pinaalalahanan si Vice President Sara Duterte hinggil sa paninindigan ng kanyang ama, na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kaugnay ng West Philippine Sea (WPS) na pabor umano sa China.
Ang paalala ay kasunod ng pahayag ng Bise Presidente na ang pagkaka-aresto sa dating Pangulo ay isang paglapastangan sa soberanya ng Pilipinas.
Si dating Pangulong Duterte ay naaresto batay sa isang warrant mula sa International Criminal Court (ICC) at kasalukuyang nasa The Hague.
Samantala, itinuring namang hindi karapat-dapat pag-aksayahan ng panahon ang babala ng Bise Presidente ukol sa umano’y planong dayaan sa darating na halalan sa May 12.
Ayon kay Assistant Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Party-list papaano ni mai-dignify ang kanyang statement bilang opisyal na nagbanta sa Pangulo, kanyang asawa, at kay House speaker.
Tinawag naman ni House Deputy Leader Paolo Ortega ang babala bilang “fake news” at isa lamang umano sa mga “diversion tactics. | ulat ni Melany Valdoz Reyes