Tutulungan na ng National Housing Authority (NHA) ang mga delinguent housing borrowers na ilang taon nang hindi nakababayad ng kanilang monthly amortization.
Ito ang inanunsyo ni NHA General Manager Joeben Tai na isa aniya sa magiging inisyatiba ng ahensya kasabay ng ika-50th charter anniversary ng NHA.
Ayon kay GM Tai, 100% condonation ang iaalok ng NHA para sa penalty sa housing loan at 95% condonation sa interes sa utang sa Pabahay.
Batay sa datos ng NHA, nasa 220 delinquent housing borrowers ang makikinabang sa condonation na epektibo mula May 1 hanggang October 31 ngayong taon.
Samantala, tuloy ang pagsisikap ng NHA na makapagtayo ng 100,000 na Pabahay ngayong 2025. | ulat ni Merry Ann Bastasa