Photo courtesy of Overseas Workers Welfare Administration
Nakauwi na na Pilipinas ang 11 OFWs mula Kuwait sa ilalim ng repatriation program ng pamahalaan.
Sakay ito ng Flight ET 644 at lumapag sa NAIA Terminal 3 nitong April 13, 2025.

Agad silang sinalubong ng OWWA at binigyan ng pagkain at pinansyal na tulong, pamasahe pauwi sa kanilang mga probinsya at hotel accommodation kung kinakailangan.
Muli namang siniguro ng OWWA na nakahanda itong alalayan ang iba pang mga Pilipino na nais umuwi na ng bansa. | ulat ni AJ Ignacio