Sumalang sa dalawang araw na budget review ang mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Department of Finance.
Sinuri ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga panukalang pondo para sa taong 2026 ng mga ahensya at tanggapan.
Kabilang sa mga nagpresenta ng kanilang pondo sa kalihim ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Local Government Finance (BLGF) at Bureau of the Treasury PH.
Kasama rin ang Central Board of Assessment Appeals (CBAA), Insurance Commission (IC), National Tax Research Center (NTRC), Philippine Tax Academy (PTA), and the Privatization and Management Office (PMO).
Samantala, tiniyak naman ni Recto ang kaniyang suporta sa mga ahensya at nagbigay ng atas para sa maayos na pagpaplano ng mga proyekto sa susunod na taon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes