Inaasahang papakinabangan ng mahigit 34,000 personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pinatibay na partnership nito sa Pag-IBIG Fund.
Ito’y matapos ang courtesy visit ni Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta kay PCG Admiral Ronnie Gil Gavan sa punong tanggapan ng Coast Guard sa Port Area, Maynila.
Dito, ipinrisinta ni Acosta ang mga programang makatutulong sa mga kawani tulad ng Housing Loan Program, MP2 Savings, Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH), at Pag-IBIG Loyalty Card Plus.
Nagpahayag naman ng buong suporta si Admiral Gavan at handang maglaan ng espasyo sa PCG compound para sa Pag-IBIG office upang maging mas accessible ang mga serbisyo.
Layon ng partnership na masigurong mas maraming kawani ng PCG ang makinabang sa mga benepisyo ng Pag-IBIG Fund, lalo na sa aspeto ng pabahay at financial security. | ulat ni EJ Lazaro