Inaasahan ang 8-14 na bagyo ang maaaring mabuo o pumasok ng Philippine Area of Responsibility simula ngayong Abril hanggang Setyembre, 2025.
Pagtaya ito ng PAGASA, sa ginanap na 182nd Climate Outlook Forum ng ahensya noong Marso 19, 2025.
Sa kasalukuyan, walang aktibong bagyo na binabantayan sa loob ng Pagasa Monitoring Domain (PMD).
Mababa ang tyansa na may mabubuong tropical cyclone-like vortex sa loob ng PMD para sa una at ikalawang linggo ng forecast period. | ulat ni Rey Ferrer