Nadagdagan pa ang mga gamot sa merkado na exempted na sa value added tax o VAT.

Kasunod ito ng inilabas na Revenue Memorandum Circular No. 25-2025 ng Bureau of Internal Revenue kaugnay ng walo pang gamot na hindi na papatawan ng VAT.
Kabilang dito ang gamot sa diabetes na may generic name na gemigliptin at sitagliptin; gamot sa hypertension at mataas na kolesterol na na amlodipine at atorvastatin; at gamot sa mental illness na risperidone.

Ayon sa BIR, ang update na ito ay patunay ng kanilang dedikasyon na makapagbigay ng maayos na serbisyo sa taxpayers sa pamamagitan ng pagbibigay ng exemption kung saan ito nararapat. | via Merry Ann Bastasa