Ayon sa Malacañang magdo-double time lalo ang administrasyon para mapanatili ang tiwala ng mga mamumuhunan.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, kasunod ng inilabas na resulta ng business expectation survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Base sa nabanggit na survey, ipinapakita dito ang mas mataas na tiwala ng investors sa pagpasok ng second quarter ng 2025.
Kaugnay nito ay mas magsisikap aniya ang pamahalaan aninCastro, para masustine o mas higitan pa ang business confidence sa bansa.
Ito ay upang mas makahikayat pa ng mas maraming mamumuhunan na magreresulta ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino. | ulat ni Alvin Baltazar