Pinaghahanda ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang militar kaugnay sa posibleng pagsalakay ng China sa Taiwan.
Ito ay kasunod ng inilunsad na malawakang military exercises ng China sa paligid ng nasabing bansa.
Sa anibersaryo ng Northern Luzon Command (Nolcom), inatasan ni Brawner ang mga sundalo na palawakin ang kanilang operasyon, lalo na’t hindi aniya maiiwasang madamay ang Pilipinas sa sigalot. | ulat ni Diane Lear