Mabigat na daloy ng mga sasakyan ang dulot ng isang aksidente sa kahabaan ng Quezon Boulevard, sa ilalim ng tulay ng Recto St.
Ayon sa driver ng sedan, bandang 5:39 ng umaga, maayos niyang binabaybay ang nasabing kalsada ng mapansin niya na unti-unting kinakain ng kasabay niyang trailer tanker ang lane na kanyang dinadaanan.
Dito na aniya niya sinubukang umiwas subalit inabot pa rin ang likurang bahagi ng kanyang sasakyan dahilan para makaladkad ito.
Aminado naman ang driver ng truck na hindi niya napansin ang nasabing sasakyan.
Wala namang naitalang sugatan o pinsala sa nasabing insidente bagamat nagdulot nga ito ng pagbigat ng trapiko. | ulat ni Lorenz Tanjoco