Nag-abiso ang Quezon City local government na muling ipatutupad Alternative Delivery Mode sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ngayong Lunes.
Kasunod ito ng inaasahang mataas na heat index na posibleng pumalo sa 41°C batay sa datos ng iRISE-UP.
Ito ay may babalang extreme caution kaya inirekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang Synchronous/Asynchronous, Limited Face-to-Face at Shortened Classes sa Child Development Centers, Kindergarten, Grades 1-12 at Alternative Learning System.
Ipinauubaya naman sa mga pribadong paaralan at Higher Education Institutions (HEIs) ang pagpapasya sa paggamit ng alternatibong pamamaraan ng pag-aaral dahil sa matinding init.