Ipatutupad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang bagong appointment system para sa mas mabilis at madaling pagpapa-Apostille ng NBI Clearance simula Lunes, Abril 14.
Ayon sa DFA, 24/7 nang bukas ang sistema para sa online booking sa website na www.apostille.gov.ph, kung saan maaaring mag-upload ng NBI Clearance photo.
Matapos ito maaari nang magbayad ng P200 sa pamamagitan ng LANDBANK LinkBiz, at mag-book ng appointment para sa submission ng dokumento sa Double Dragon Plaza, Pasay City.
Kailangan lamang dalhin ang orihinal na NBI Clearance, Application Form, Transaction Slip, at valid ID. Kung representative ang magsusumite o kukuha ng dokumento, kinakailangan ang Authorization Letter at photocopy ng ID ng may-ari.
Binigyang-diin ng DFA na ang bagong sistema ay eksklusibo para sa NBI Clearance Apostille. Para sa ibang dokumento, nananatiling bukas ang kanilang Online Appointment System. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa DFA-MPC. | ulat ni EJ Lazaro