Nakatutok ngayon ang PHIVOLCS sa sitwasyon ng Bulkang Taal sa Batangas kasunod ng sumiklab na grassfire sa timog-kanlurang bahagi ng Taal Volcano Island.
Ayon sa PHIVOLCS, direktang nakaapekto ito sa Binintiang Munti (VTBM) Observation Station.
Batay naman sa IP camera ng istasyon, naitala ang unang pagkalat ng apoy bandang 11:24 AM kahapon.

Ang VTBM ay naapektuhan na rin ng kaparehong sunog noong Marso ng 2023 at Mayo ng 2024 na nagsimula dahil sa pagsisindi ng apoy.
Patuloy na mino-monitor ng PHIVOLCS ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) ng Lalawigan ng Batangas.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal. | ulat ni Merry Ann Bastasa
