Dinaluhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang seremonya ng pagtatapos ng walong araw na BALIKATAN 40-25 Integration Training na isinagawa sa National Headquarters, Port Area, Manila, katuwang ang U.S. Coast Guard (USCG).
Sa nasabing training, 90 personnel mula sa iba’t ibang unit ng PCG ang lumahok sa pagsasanay na isinagawa ng mga eksperto mula sa U.S. Coast Guard.
Kabilang sa mga itinuro ang Tactical Combat Casualty Care, Navigation at Communication, Basic Seamanship, Boat Handling and Towing, Radio Communications, at Vessel Boarding, Search and Seizure. Tinalakay rin ang mga taktika sa night operations, improvised explosive devices, at Chemical, Biological, Radiological, and Nuclear threats.
Pinangunahan nina Commodore Arnaldo Lim ng PCG at Commander John Elkins ng USCG ang closing ceremony, kung saan kapwa nila pinasalamatan ang lahat ng kalahok at binigyang-diin ang halaga ng kooperasyon at patuloy na pagsasanay. | ulat ni EJ Lazaro