Pinangunahan nina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli M. Remolona, Jr. at Hong Kong Monetary Authority (HKMA) Chief Executive Eddie Yue ang high-level bilateral meeting kamakailan.
Layunin ng pulong na palakasin ang kooperasyon at talakayin ang mahahalagang usapin sa central banking.
Sa pagpupulong na ginanap sa BSP, ibinahagi ng mga opisyal ng dalawang institusyon ang kanilang pananaw at karanasan bond market and ecosystem; multilateral digital payment projects; cybersecurity risk management and consumer protection; digital financial literacy; climate risk stress testing at iba pang green finance initiatives.
Pinag-usapan rin ng BSP at HKMA ang mga posibleng proyekto at pakikipagtulungan sa hinaharap upang higit pang mapalawak at mapatatag ang kanilang matagal nang ugnayan sa larangan ng pananalapi. | ulat ni Melany V. Reyes