Nakikipag-ugnayan ang Bureau of Immigration (BI) sa Philippine National Police 9PNP), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para pigilan ang mga iligal na papasok sa Pilipinas.
Kabilang sa mahigpit na binabantayan ang mga backdoors sa bansa na posibleng gamiting ruta ng mga POGO worker.
Ayon kay spokesperson Dana Sandoval, nasa 62 satellite offices nila mula sa iba’t ibang bahagi sa bansa ang mahigpit na nagbabantay lalo na sa mga backdoor na sakop ng bansa.
Meron din silang pinakalat na intelligence agents na nagmo-monitor sa aktibidad ng hinihinalang human trafficking syndicates.
Iniimbestigahan din nila ang mga tauhan kung may nakikipagsabwatan sa mga dayuhan. | ulat ni DK Zarate