Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa buong bansa sa gitna ng Oplan Biyaheng Ayos, ngayong Semana Santa 2025.
Mula alas-2 ng hatinggabi hanggang alas-6 ng umaga ngayong Abril 15, naitala ng PCG ang mahigit 13,800 outbound passengers at higit 13,600 inbound passengers sa iba’t ibang pantalan sa bansa o may kabuuang mahigit 26,000.
Kasabay nito, umabot sa 4,387 ang mga frontline personnel na naka-deploy sa 16 PCG Districts, para magsagawa ng inspeksyon sa 185 vessels at 54 motor banca.
Naka-heightened alert ang lahat ng istasyon ng PCG mula Abril 13 hanggang 20 bilang paghahanda sa dagsa ng mga biyahero.
Pinapayuhan ang publiko, na makipag-ugnayan sa opisyal na Facebook page ng PCG o sa Coast Guard Public Affairs Service sa numerong 0927-560-7729 para sa ano mang katanungan o abiso kaugnay sa paglalayag ngayong Semana Santa. | ulat ni Lorenz Tanjoco