Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan kaugnay ng Oplan Biyaheng Ayos ngayong Semana Santa 2025.
Sa datos ng PCG mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-6 ng umaga ng Abril 16, pumalo sa 21,898 ang outbound passengers habang nasa 16,479 naman ang inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
Aabot sa 4,355 frontline personnel ang na-deploy ng PCG sa 16 na district offices nito, at kabuuang 204 vessels at 22 motorbanca ang kanilang na-inspeksyon para matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.
Simula Abril 13 hanggang 20, nakataas ang heightened alert status sa lahat ng istasyon ng PCG upang maagap na tugunan ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa.
Paalala rin ng PCG, maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa kanilang official Facebook page o sa Coast Guard Public Affairs Service sa numerong 0927-560-7729 para sa mga tanong at alituntunin ukol sa biyahe sa dagat. | ulat ni Lorenz Tanjoco