Lumagda ng isang memorandum of agreement ang Bureau of Corrections at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa pagbibigay ng titulo ng lupa na kinatitirikan ng Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.
Kapwa nilagdaan nina BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. at ni DENR-MiIMAROPA Officer-in-Charge Regional Executive Director Felix Mirasol Jr. ang kasunduan upang pormal na matituluhan ang nasa 29,000-hectare na lupain ng BuCor.
Ayon naman kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., sa tulong ng DENR pormal nang matitituluhan ang lupaing pag-aari ng BuCor at tutulong naman ang DENR sa pag-survey ng nasabing lupain.
Nagpasalamat ang BuCor sa DENR sa pagtulong nito sa pagsasaayos ng lupang nasasakupan ng Iwahig Penal Farm. | ulat ni AJ Ignacio