Muling nakapagtala ang PHIVOLCS ng mataas na aktibidad sa bulkang Kanlaon sa Negros.
Sa monitoring ng PHIVOLCS, isang ash emission event ang naitala sa bulkan na nagsimula kaninang 11:52 ng umaga.
Nagdulot ito ng ash plumes na umabot sa 800 metro ang taas.
Dahil dito, pinagiingat ang mga residente sa La Carlota City, Bago City, at kalapit na bayan sa posibilidad ng ashfall.
Nasa ilalim pa rin ng Alert level 3 ang Mt. Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa