Muling iginiit ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kanilang dedikasyon sa aviation safety at regulatory excellence sa katatapos na ATO Summit 2025 sa Pasay City.
Sa ikaanim na Approved Training Organization Summit na ginanap nitong linggo, pinagtibay ng CAAP ang pakikipag-ugnayan sa Flight Training Organizations at Maintenance Training Organizations. Tinalakay sa summit ang mga isyu sa compliance, lisensiya, inspeksiyon, at ang pagpapahusay ng safety protocols.
Kabilang sa mga naging pokus ang Flight Standards Inspectorate Service processes, pilot licensing, at mas maayos na pagsusumite ng Flight Plans para sa Visual Flight Rules. Ipinakilala rin ang bagong Audit Surveillance Plan para sa mas mahigpit na monitoring.
Tiniyak din ng CAAP na patuloy itong magpapatupad ng mahigpit na pamantayan sa aviation training at safety upang mapanatili ang integridad at competitiveness ng Pilipinas sa pandaigdigang industriya ng aviation. | ulat ni EJ Lazaro