Tuloy ang panunuyo ng mga kandidato sa ilalim ng partido ni incumbent Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa nalalapit na Midterm Elections.
Kaliwat kanang mga caravan na ang ikinakasa ng mga kandidato sa Serbisyo sa Bayan Party bukod pa sa mga house-to-house kahit nitong weekend para itulak ang kanilang mga plataporma sa mga residente.
Sa District 1, dinagsa ng mga residente ang caravan ng Team Aksyon Agad sa pangunguna nina Cong. Arjo Atayde kasama ang mga tumatakbong konsehal sa ilalim ng partido na sina Gab Atayde, TJ Calalay, Doray Delarmente, Charm Ferrer, Bernard Herrera, at Joseph Juico.
Sa kanyang mensahe, nangako si Coun. Ferrer na patuloy na isusulong ang mas ligtas at mas malusog na Quezon City para sa lahat.
Ito sa pamamagitan ng mga ordinansa na gaya ng naipasang QC Integrated Cancer Control Ordinance at Comprehensive Cervical Cancer Elimination Program. | ulat ni Merry Bastasa