Agad na i-deploy sa forward staging area sa Barangay Buhangin, Davao City ang mga Starlink Satellite Transmission Devices, Solar Panels, at Batteries ng iOne Resources Joint Venture katuwang ang Ardent Networks, bilang pagsunod sa direktiba ng Comelec.
Ayon sa ulat ng Regional Election Director ng Region 11, naipamahagi na ang mga kagamitan sa iba’t ibang tanggapan ng Comelec sa Davao Region, kabilang na ang Davao del Norte na nakatanggap ng 53 Starlink units, 56 solar panels, at 56 batteries.
Mahigpit itong binabantayan ng PNP, Comelec, at mga political party observers.
Nakarating na rin ang mga alokasyon sa Zamboanga del Sur at Cordillera Administrative Region, habang inaasahang magpapatuloy ang deployment hanggang Abril 7.
Nilinaw ng Comelec na ang mga Starlink devices ay para lamang sa ligtas na transmission ng election results, at walang kinalaman sa mismong pagbasa at pagbibilang ng mga boto.| ulat ni Lorenz Tanjoco