Pinatitiyak ni Senador Sherwin Gatchalian ang kaligtasan ng mga biyahero ngayong Semana Santa.
Ayon kay Gatchalian, sa inaasahang pagdami ng mga pasahero sa mga pantalan, paliparan at mga expressway at toll road, kailangang siguruhin ng Department of Transportation (DOTr) na nakalatag na ang lahat ng contingency measures para sa maayos na biyahe ng publiko.
Hinikayat din ng senador ang DOTr na makipagtulungang maigi sa PNP, Philippine Coast Guard (PCG) at sa mga lokal na pamahalaan.
Ito ay para matukoy ang mga lugar na mangangailangan ng mas mataas na police presence para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, makapagbigay ng mabilis na assistance at matiyak ang pagsunod sa safety protocols.
Binigyang-diin ni Gatchalian na kailangan ang pagtutulungan ng lahat para masiguro na walang magiging aberya sa biyahe ng magsisis-uwian ngayong Semana Santa. | ulat ni Nimfa Asuncion