Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture ang pag-angkat ng wild and domestic birds mula sa Belgium.
Ito’y kasunod ng ulat na nagkaroon ng H5N1 High Pathogenicity Avian Influenza(HPAI) outbreak sa nasabing bansa noong Pebrero 17, 2025.
Naglabas ng kautusan si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. upang maiwasan ang pagpasok sa bansa ng mga produkto gayundin maprotektahan ang local poultry industry mula sa HPAI virus.
Saklaw din ng ban ang avian products kabilang ang poultry meat, day-old chicks, itlog at semilya.
Ipinag utos na ng kalihim ang agarang pagsuspinde sa pagproseso at ebalwasyon ng mga aplikasyon sa Sanitary and Phytosanitary Import Clearances para sa agricultural goods.
Samantala pinapayagan pang makapasok sa bansa ang mga shipment mula sa Belgium na nasa transit, o dumating na sa daungan bago ipinatupad ang ban,bastat ang mga produkto ay kinatay bago ang Pebrero 3 ng taong ito. | ulat ni Rey Ferrer