Nagsagawa ng Training of Trainers (TOT) ang Department of Agriculture-Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Region 9 sa bayan ng Ipil sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.


Ang mga kalahok ng TOT ay tinuruan at hinasa sa mga mahahalagang paksa na kinabibilangan ng sales management, selling action plan, effective selling process, at mga pamamaraan para sa pagtatag ng magandang relasyon sa mga kustomer o mga mamimili.



Si Ginoong Wilfredo Bornales, dean ng College of Business Administration ng Sibugay Technical Institute, Inc., ang naging lecturer sa naturang pagsasanay.
Isinailalim din ang mga partisipante sa isang workshop sa paggawa ng Strengths, Weaknesses, Opportunities and Threats o SWOT analysis para sa epektibong negosyo at mabentang mga produkto.


Sa susunod na buwan, ang mga kaalamang natamo ng mga trainers o tagapagsanay ay kanilang ipapasa sa mga magsasaka sa iba’t ibang mga munisipyo sa Zamboanga Sibugay – sa isang teknikal na pagsasanay.
Layon nitong mabigyan ng karagdagang kapasidad ang mga benepisyaryo sa paglatag at pagtanghal ng kanilang mga produkto sa mga pamilihan upang mapaangat ang kanilang pangkabuhayan. | ulat ni Lesty Cubol – RP Zamboanga Sibugay
DA-SAAD Zamboanga Peninsulab