Handa si dating Sen. Ping Lacson, na muling ihain ang panukala na magbibigay kahulugan sa political dynasty.
Sa pulong balitaan, kasama ang iba pang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas candidates, muling igniit ni Lacson na batay sa Konstitusyon, kailangan ng enabling law para tuluyang maipagbawal ang political dynasty.
Sa kaniyang panukala na una na ring inihain npong nakaraang Kongreso, hanggang 2nd degree at sa parehong lungsod hindi maaari tumakbo ang magkakamag-anak.
Suportado naman ito ni ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo.
Sabi niya sila mismong mga magkakapatid ay nasa politika pero handa sya suportahan ang panukala kujg para sa ikagaganda ng pamumuno.
Maging si dating Senate President Tito Sotto suprtado ang panikala nungit kailangan aniya balansehin.
Maaari kasi maapektuhan naman yung mga pamilya na legal at mayroong magandang nagagawa sa kanilang nasasakupan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes