Pinasalamatan ni Department of Budget and Management Secretary Mina Pangandaman ang Armed Forces of the Philippines sa pagsuporta sa ikalabing-walong Dugtong Buhay bloodletting activity na ginanaplsa STI West Negros University.
Ayon kay Sec. Pangandaman, ang Dugtong Buhay Movement ay patunay ng matagumpay na pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, at mga indibidwal para sa makabuluhang adhikain.
Nakalikom ng kabuuang 372 blood units mula sa mga boluntaryong donor, na ayon kay Sec. Mina ay malaking ambag sa patuloy na pangangailangan ng ligtas na suplay ng dugo sa bansa.
Kabilang sa mga pinasalamatan ni Sec. Pangandaman ay sina AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, at PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang, para sa kanilang suporta mula nang simulan ang programa noong Setyembre 2024.
Sa kabuuan, 3,688 blood bags na ang nalikom mula sa Dugtong Buhay Movement. | ulat ni Lorenz Tanjoco