Pinangunahan at host ang Department of Health sa 7th Global Ministerial on Patient Safety.

Ito ay dinaluhan ng mga deligado mula sa 69 members state na pawang mga medical professionals at mga opisyal mula sa World Health Organization.

Ayon kay Health Secretary Dr Teodoro Herbosa, dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga health professionals sa iba’t ibang panig ng mundo, ay mas napapaghusay ang healthcare system.

Sa World Safety Day ay kinilala ang dedikasyon ng mga medical professionals na ang top priority ay ang pinakamahusay na resulta para sa mga pasyente. | ulat ni Don King Zarate