Matagumpay na isinagawa ng Department of Finance (DOF) at Lao People’s Democratic Republic ang ikalawang round ng negosasyon kaugnay ng kasunduang naglalayong tanggalin ang dobleng pagbubuwis sa kita at maiwasan ang pag-iwas at pag-abuso sa buwis.
Ito ay ang Agreement on the Elimination of Double Taxation with Respect to Taxes on Income and the Prevention of Tax Evasion and Avoidance.
Layunin ng kasunduang ito na tiyaking patas ang pagbubuwis sa mga mamamayan ng parehong bansa.
Target din nitong palakasin ang ugnayang pangkalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at Lao PDR.
Patuloy din ang mga pag-uusap ng dalawang bansa upang mabuo ang isang komprehensibo at kapwa kapaki-pakinabang na kasunduan.
Pinamunuan ang delegasyon ng Pilipinas ni DOF Revenue Operations Group (ROG) Undersecretary Charlito Martin Mendoza, at Lao PDR delegation chied Deputy Director General Saymanolinh Sinbandhit ng Ministry of Finance ng Lao PDR. | ulat ni Melany Reyes