Nangako ang Department of Health na pangangalagaan ang kalusugan ng mga ina at sanggol para sa mas maayos na kinabukasan.
Target ng DOH na pababain ang maternal death rate sa bansa mula 144 patungong 111 kada 100,000 live births.
Kabilang sa mga hakbang ng ahensya ang pagpapatibay ng health systems para sa mas abot-kayang prenatal check-ups, ligtas na panganganak, at post-natal care.
Kabilang anila dito ang pagpapalawak ng kakayahan ng mga midwife at barangay health workers, lalo na sa mga liblib na lugar.
Kasama rin sa mga istratehiya ang pakikipagtulungan sa mga local at international partners, at ang pagpapatupad ng PuroKalusugan initiative upang mailapit ang reporma sa mga komunidad. | ulat ni Lorenz Tanjoco