Nanatiling wala pang pila sa immigration sa NAIA Terminal 3, kahit sa oras ng rush hour para sa mga departing passengers ngayong Martes, Abril 15.
Malaking improvement ito kumpara sa parehong oras at panahon noong nakaraang linggo, kung saan halos umabot na sa entrance ng immigration ang haba ng pila.
Ito’y bunga ng pagtutulungan ng Bureau of Immigration, MIAA, NNIC, at DOTr, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking mas maginhawa at maayos ang biyahe ng mga pasahero ngayong Holy Week. | ulat ni AJ Ignacio