Nag-ikot si Transportation Secretary Vince Dizon sa ilang mga terminal sa Pasay City, kahapon (April 14, 2025).
Unang ininspeksyon ng kalihim ang busterminal sa Tramo Pasay kung saan tumambad ang dami ng pasaherong pakalat-kalat at walang maayos na hintayan ng bus sa mga naturang terminal.

Aniya, hindi deserve ng ating mga kababayan ang ganitong klase ng terminal.
Dagdag pa ng kalihim, na nagbabayad ang mga pasahero ng minimum fare kaya dapat na maayos ang serbisyo ng nasabing mga terminal.

Nangako naman si Secretary Dizon, na ipapatawag nito ang naturang bus companies upang magpaliwanag hinggil dito. | ulat ni AJ Ignacio