Pinatatanggal na ng Department of Social Welfare and Development ang viral post ng isang babae na may mental health condition na ginamit para siraan si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Nakikipag-ugnayan na ang DSWD sa National Bureau of Investigation at Facebook Philippines para tanggalin ang viral video batay na rin sa kalihingan ng pamilya ng babae
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, nais niyang malaman sa NBI ang taong nag upload ng video sa Facebook
Tiniyak ng kalihim na bibigyan ng psychosocial interventions at tulong pinansyal ang babae at kanyang pamilya para sa kanilang pangangailangan.
Ngayong araw, nakatakdang magsagawa ng follow up assessment ang DSWD Fact-Finding Team sa babae at kanyang pamilya.
Tiniyak ng kalihim na handang magbigay ng legal assistance ang DSWD sakaling magdesisyon ang pamilya na magsampa ng reklamo laban sa mga taong nanggamit sa babaeng may mental health condition. | ulat ni Rey Ferrer