Agad nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya sa Sarangani na naapektuhan ng flash floods na dulot ng easterlies.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, inatasan ni Secretary Rex Gatchalian ang Field Office 12 – SOCCSKSARGEN na makipag-ugnayan sa LGU para sa relief augmentation.
Nagsimula na ring magpadala ang DSWD ng family food packs sa munisipalidad ng Glan.
Batay sa tala ng DSWD, as of April 1, ay nasa 2,792 pamilya o katumbas ng 13,960 indibidwal ang apektado ng pag-ulan sa Glan, Sarangani.
Mayroon ding 404 pamilya o katumbas ng 2,020 indibidwal ang pansamantalang nananatili sa Municipal Gymnasium.
“We assure the LGUs that the DSWD is ready to send augmentation support. As of this moment, the agency has ₱691 million worth of standby funds and prepositioned relief stockpile,” ani Dumlao. | ulat ni Merry Ann Bastasa