Nagpaalala ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na libre ang pagiging benepisyaryo ng Walang Gutom Program.
Ginawa ng DSWD ang paglilinaw sa gitna ng mga ulat na may indibidwal o grupo na nang-aabuso o kumukuha ng karapatan ng mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program.
Sa isang pahayag, mariing kinondena ng DSWD ang ganitong pananamantala kabilang ang mga nanghihingi ng “lagay”, o nagkakaltas sa benepisyo, malinaw na paglabag sa patakaran ng programa.
Giit ng DSWD, ang benepisyo mula sa Walang Gutom Program ay dapat makuha ng buo at walang sino man, maging opisyal, lider sa komunidad, o ibang indibidwal ang may karapatang magbawas, manghingi, o kumuha ng kahit anong bahagi mula sa inyong benepisyo.
Kasunod nito, hinikayat ng DSWD ang sino mang nakaranas o may kaalaman sa ganitong uri ng sitwasyon na agad itong isumbong sa 0927-952-8698 para ito ay maimbestigahan at maaksyunan. | ulat ni Merry Ann Bastasa