Nakiisa si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa iba pang miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa paglulunsad ng National Disaster Response Plan (NDRP) 2024.
Ang NDRP 2024 ay ang ikatlong bersyon ng multi-hazard response at early recovery framework ng bansa, na nakatuon sa pagtataguyod ng mas ligtas, at disaster-resilient communities.

Pinangunahan ang paghahanda sa naturang plano sa pakikipagtulungan ng World Bank at Global Facility for Disaster Reduction and Recovery (GFDRR).
Kasama naman ni Secretary Gatchalian sa paglulunsad si Undersecretary Diana Rose Cajipe ng DSWD Disaster Response Management Group (DRMG), at mga opisyal mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan. | ulat ni Merry Ann Bastasa