Kampante ang Department of Social Welfare and Development na nasa tamang landas pa rin ang pamahalaan para makamit ang single-digit poverty incidence sa 2028.
Batay sa resulta ng Family Income and Expenditure Survey ng Philippine Statistics Authority na nagpakita ng pagbaba ng poverty incidence sa 15.5 % o 17.54 million individual noong 2023.
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, kinikilala ng ahensya ang pinakabagong resulta ng SWS Survey batay sa persepsyon ng mga pamilyang Pilipino.
Gagamitin aniya ito bilang sanggunian sa patuloy na pangako ng ahensya na magbago at mapabuti pa ang mga programa at serbisyo.
Batay sa pinakahuling survey,mula Marso 15-30, tinatayang 14.4 milyon o 52% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap, habang 27.2 % naman ang nakaranas ng hindi sinasadyang pagkagutom sa loob ng tatlong buwan.
Tiniyak ni Asec Dumlao na patuloy pa nilang pahuhusayin ang mga programa ng ahensya upang masubaybayan ang layunin ng Gobyerno para maibsan ang kahirapan at gutom sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer