Binigyang-diin ni Finance Sec. Ralph Recto na nananatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng global trade development.
Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng naging aksyon ng Estados Unidos na magpataw ng mas mataas na export tariffs sa mga produkto na galing sa iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas.
Kabilang sa mga bansang pinatawan ng mas mataas na tariff ang China na 34%; Vietnam, 46%; Cambodia 49% ; Taiwan, 32%; Japan, 24%; habang ang Pilipinas ay nasa 17% at at 10% naman sa Singapore.
Ayon kay Recto, hindi ito masyadong makaapekto dahil ang ekonomiya ay domestic-demand driven.
Ito aniya ang nagsisilbing panangga ng laban sa trade wars.
Pero hindi rin aniya ligtas ang Pilipinas sa epekto nito dahil sa inaasahang pagbaba ng international trade at posibleng global growth slowdown, mas mataas na interest rates at inflation.
Itutulak aniya ng gobyerno ang Create More Act upang patatagin ang kakayahan ng bansa na makahikayat ng foreign investors. | Melany Valdoz-Reyes