Pumirma ng isang Memorandum of Agreement ang mga election watchdog , mga tanggapan ng pamahalaan, at Commission on Election noong Biyernes, April 4, 2025.
Ito ay bilang paghahanda sa random manual audit ng mga boto sa midterm election 2025.
Kabilang sa pumirma sa memorandum of agreement ang COMELEC, Parish Pastoral Council for Responsible Voting, National Citizens’ Movement for Free Elections, Legal Network for Truthful Elections, at Philippine Institute of Certified Public Accountants.
Pumirma din sa nasabing kasunduan ang AFP, PNP, DepEd, at PSA.
Ayon kay PSA Usec. Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General ang isasagawang random manual audit ay magpapalakas sa tiwala ng publiko sa electorial system.
Sinabi naman ng Philippine Institute of Certified Public Accountants na maraming agam-agam sa paggamit ng makina sa pagbilang ng boto kaya merong random manual audit o manu-manong pagbibilang ng boto para maberipika kung tama ang pagbilang ng makina. | ulat ni Don King Zarate