Ibibida ng US Air Force ang F16 multi-role fighter jets sa COPE Thunder exercises sa pagitan nila at ng Philippine Air Force (PAF).
Ito ang modelong inaprubahan ng US State Department na nais ibenta sa Pilipinas bilang bahagi ng pagpapalakas ng Hukbong Sandatahan ng bansa.
Batay sa impormasyon mula sa US Defense Security and Cooperation Agency, nagkakahalaga ng US$5.5 billion ang 20 bagong F16 fighter jets na balak na ibenta ng Amerika sa Pilipinas.
Pero para sa mga piloto ng Air Force ng Pilipinas, malaking bagay ang pagkakaroon ng ganitong klaseng kagamitan na makatutulong sa kanila upang maging pamilyar sa mas modernong fighter jets.
Gayunman, walang kumpirmasyon mula sa Defense Department ng Pilipinas hinggil sa detalye ng pagbili ng bagong kagamitan mula sa Amerika. | ulat ni Jaymark Dagala