Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang $731-M na foreign direct investment noong January 2025.
Bahagyan mas mababa ito ng 20% ang kabuuang net inflows ng foreign direct investments noong Pebrero 2024 na nasa $914-M dollars.
Ang pagbaba ng FDI net inflows ay pangunahing dulot ng 37.7% na pagbaba sa net investments ng mga dayuhan sa debt instruments, na bumaba sa US$519-M.
Bahagyang nabawasan ang epekto nito dahil sa positibong pagbabago sa net investments ng mga dayuhan sa equity capital na umangat sa US$88-M.
Tumaas naman ang reinvestment of earnings ng mga dayuhan ng 36.0%, umabot sa US$125-M.
Karamihan sa equity capital placements ay nagmula sa Japan, United States, Singapore, at Malaysia.
Inilagak ang mga pamumuhunang ito sa mga sektor ng manufacturing, financial at insurance services, at real estate.
Ang datos ay nagpapakita ng patuloy na kumpiyansa ng mga dayuhang mamumuhunan sa ilang industriya sa bansa, sa kabila ng mas mababang kabuuang halaga ng FDI para sa buwan. | ulat ni Melany Reyes