Hindi basta-basta makikialam ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga campaign poster ng mga kandidato.
Ginawa ang pahayag matapos gamitin ng isang tumatakbong senador ang logo ng kanyang dating paaralan o unibersidad sa campaign poster na ngayon ay umani ng batikos online.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, alinsunod sa freedom of expression, may limitasyon ang pakikialam ng COMELEC sa nilalaman ng campaign poster.
Ang paaralan na aniya ang dapat magsampa ng reklamo kung para sa kanila ay may nalabag, tulad ng paggamit ng kanilang logo.
Samantala, kung ang campaign poster ay naglalaman ng hate speech, diskriminasyon, o pekeng impormasyon, maaaring atasan ng Komisyon ang kandidato na alisin o i-take down ang naturang campaign poster. | ulat ni DK Zarate