Susubukin ang lahat ng kaalaman at kakayahan ng mga sundalong Pilipino sa nalalapit na Balikatan Exercises ngayong 2025.
Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner kung saan magiging tampok aniya sa naturang pagsasanay ang tinawag niyang “Full Battle Test.”
Sa kaniyang talumpati sa ika-38 anibersaryo ng Northern Luzon Command sa Camp Servillano Aquino sa Tarlac City, sinabi ng AFP chief na dito masusubukan ang lahat ng doktrina, plano at mga pamamaraan na nilinang sa mga nakalipas na panahon.
“In a matter of days, we will be starting our Balikatan Exercises (with American military forces.) This is the 40th iteration of the Balikatan Exercises and most of the exercises will be conducted here in the area, the joint operational area of NOLCOM,” ayon kay Brawner.
Gayunman, hindi na nagdetalye si Brawner sa mga nabanggit dulot na rin ng usaping panseguridad.
Isasagawa ang Balikatan sa kalagitnaan ngayong Abril subalit hanggang ngayon, hindi pa rin isinasapubliko ang mga lugar na pagdarausan nito.
“Under your joint area of operations or joint operational area, most of the activities of the Balikatan will held there. And then again, our (command and control), will be utilized to ensure that we have a common operational picture while we are conducting our full battle test,” ayon kay Brawner.
“And this year we are going to test them. It’s very important that we prepare for any eventuality,” dagdag pa ng AFP chief. | ulat ni Jaymark Dagala