Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mananatiling pinuno ng Special Operations Group-Strike Force (SOG-SF) si Gabriel Go.
Ayon sa MMDA, hindi tatanggalin sa nasabing unit si Go sa kabila ng mga kinasangkutan nitong reklamo gaya ng pagkaso ng isang puis matapos na mapahiya umano sa clearing operation sa Quezon City.
Sa halip , ipinag-utos ni MMDA Chairman Atty. Romandon Artes ang pagsasailalim kay Go sa limang araw na training mentorship coaching ukol sa traffic management, leadership, courtesy, at discipline at tutukan din ang stress at anger management.
Ito ay pangungunahan naman ni MMDA Traffic Education Division Chief Bong Nebrija na dati ring traffic czar ng ahensya.
Sinabi ni Artes na hindi ito parusa, kundi paraan para mapahusay pa ni Go ang kaniyang trabaho sa mga clearing operation sa kalye sa Metro Manila.
Matatandaang naghain ng kasong cyber libel si PCapt. Erike Felipe laban kay Go at kasama nitong vlogger kahit pa humingi ito ng sorry dahil naapektuhan aniya ang kaniyang pagkatao. | ulat ni Diane Lear