Patuloy ang pagdating ng mga pasahero sa mga pantalan. Base sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), higit sa 100,000 ang mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa mula 6am hanggang 12pm ngayong araw.
Nasa 55,269 sa mga ito ay outbound passengers, habang 46,724 naman inbound passengers.
Simula kahapon, naka-heightened alert ang PCG at ito ay tatagal hanggang sa April 20 dahil sa inaasahang pagdami ng pasahero sa karagatan ngayong Semana Santa.
Bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2025, nag-deploy ang PCG ng 4,102 frontliner sa 16 na PCG districts.
Ininspeksyon din nila ang 734 vessels and 804 motorbancas. | ulat ni DK Zarate