Naniniwala si Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard para sa West Philippine Sea, na may mga grupong nagpapagalaw sa mga pro-China trolls.
Ayon kay Tarriela, magkakaugnay ang galaw ng mga ito na kontra sa pagtatanggol ng ating bansa sa teritoryo.
Sa ngayon, nasa 1,000 hanggang 1,500 ang namonitor ng PCG na pro-China trolls.
Kabilang sa mga ito ay mga tagasuporta umano ni Alice Guo at ang mga kumukuwestiyon sa paghuli sa mga pinaniniwalaang Chinese spy. | ulat ni DK Zarate