Pinapurihan ng liderato ng Kamara si Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil sa mabilis na pagkilos para disiplinahin ang mga pulis na umano’y sangkot sa extortion o pangingikil.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez ang ginawang hakbang ni Marbil ay paraan para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa pambansang pulisya.
“General Marbil should be praised for taking prompt action on the extortion case allegedly involving at least eight members of the Eastern Police District and in sanctioning the star-ranked district commander for what he described as ‘failure of leadership’,” sabi ni Speaker Romualdez.
Pagtiyak naman ng House Speaker na susuportahan ng Kongreso ang mga repormang ipinapatupad ng PNP para sa mas pinahusay na serbisyo at sinigurong mapaglalaanan ito ng sapat na pondo.
“The key here is leadership by example. There is no substitute for it. If a leader is transparent, honest, effective, efficient, and compassionate, his commanders and personnel down the line will follow and practice those values,” diin ni Speaker Romualdez.
Ni-relieve kamakailan sa puwesto ang hepe ng Eastern Police District at buong District Special Operations Unit (DSOU) kabilang ang walong pulis na sangkot sa pangingikil ng pera sa dalawang Chinese nationals sa isinagawang illegal police operation sa Las Pinas City.
Ayon naman kay House Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez, ito ang matagal nang hinihintay ng publiko, na hindi lang basta ma-relieve sa pwesto ang mga tiwaling pulis, ngunit mapatawan ng parusa.
Magsilbi aniya itong babala sa lahat ng police commanders na bigong panatilihin ang disiplina sa kanilang hanay.
“Let this be the turning point. We want a professional, reliable, and honest police force. If you cannot lead with integrity, then you do not belong in public service,” ani Fernandez.
Sabi naman ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers, na ang agarang pagsasampa ng kaso at pagbibitiw ng buong unit ay malinaw na indikasyon na seryoso ang PNP sa pagkakaroon ng reporma at binibigyang halaga ang command responsibility.
Kumpiyansa rin si Barbers na maipagpapatuloy ni Marbil ang pagpapatupad ng accountability at paglinis sa korapsyon at pang aabuso.
“The war on drugs and the fight against syndicates begin with a clean police force. We fully support Gen. Marbil’s resolve. No fear. No favor. Gen. Marbil is showing the country that such a vision is not only possible. It is already beginning,” saad ni Barbers. | ulat ni Kathleen Forbes