Tuloy-tuloy lang ang House prosecution team sa paghahanda para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Katunayan ayon kay House Assistant Majority leader Ysabel Maria Zamora na bahagi ng prosekusyon, nagsagawa na rin sila ng mock trial.
“We’ve been having meetings, discussions, interviews, we also had a mock trial. So we’ve been practicing in case the trial happens anytime soon,” pagbabahagi ni Zamora sa House media.
Hindi naman na nakikita ni Zamora ang pangangailangan na tumayong testigo pa si VP Duterte, dahil sapat na aniya ang testimonial at documentary evidence na kanilang hawak.
“We don’t need the Vice President to be our witness. I think the evidence we have is enough. We have testimonial evidence, we have documentary evidence, so sapat na po,” saad niya.
Hindi na rin anila kailangan ipatawag pa ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First lady Liza Araneta Marcos at kahit si Speaker Martin Romualdez para tumayong witness oras na isalang ang Article 1 ng impeachment complaint, kaugnay sa ginawang pagbabanta ng bise sa kanilang mga buhay.
“Sapat na po yung evidence namin. We have testimonial, we have documentary evidence. And it’s the mere fact of saying those things that the Vice President is charged under Article one. Hindi po natin kailangan na mag-witness ang Presidente, ang first lady, ang House Speaker para ho mapatunayan na nagkasala ang Vice President under article one,” diin niya. | ulat ni Kathleen Forbes